THE WISE INVESTMENT





DID YOU KNOW?

That you can invest in the Stock Market for 1,000 Php - 5,000 Php and even you're an OFW?

First of all, pag-usapan natin ang Stock Market.

“STOCK MARKET”

Ito yung DIRECT investing or trading ng shares or stocks sa mga companies (Small and Big Companies). Ito ang way kung gusto mong maging shareholder or stockholder ng Jollibee, Ayala, SM, BPI, PLDT, etc. khit sa maliit na puhunan dahil for as low as 5,000 pesos pwede knang maging part ng mga companies na yan. Kailangan mo lang ng Stock Broker, ano ang Stock Broker? pwede mo yan i-research sa Google.

Now, dahil sinabi ko nga kanina ito ay “DIRECT” meaning ikaw mismo ang magma-manage ng iyong portfolio, ikaw ang Fund Manager, ikaw ang magde-decide kung anong mga companies ang bibilhin, ikaw ang magbebenta ng shares/stocks at siyempre may oras lang ng pag Buy & Sell nito. Kailangan mo din pag-aralan ang mga companies na bibilhin mo at kailangan mo din mag-aral ng technical analysis.

So, bago ka pumasok sa Stock Market make sure na may TIME & KNOWLEDGE ka, dahil kung wala ka nang mga bagay na yan asahan mong hindi rin magiging successful ang binabalak mong pagpasok sa Stock Market. Kapag meron ka ng mga bagay na ito for sure kikita ka ng malaki dito.

PERO…bukod sa Time at Knowledge, kailangan mo din ng malaking BUDGET. Bakit?

Yes, for as low as 5,000 pesos makakapag-umpisa kana sa Stock Market pero ang tanong jan, ilang companies lang ba ang mabibili sa 5,000? Dahil kung gusto mong sure na kikita ka dito ang bibilhin mo siyempre ay yung mga companies na sa tingin mo ay kumikita talaga at tatagal ng 50 years & up. Pero dahil malalaking companies “Blue Chip Companies” ang bibilhin mo may kamahalan ang iba jan.

For Example lang, si PLDT ngayon ay 1,500 pesos per share at may minimum Board Lot na 5.

1,500 x 5 = 7,500 pesos.

Meaning, bago ka makabili ng PLDT ang kailangan mong ilabas na pera ay 7,500 hindi lang 5,000. At take note, isang company palang yan. Sa pag-iinvest importante ang “Diversification” kailangan naka-invest ka sa maraming companies. Kasi halimbawang nalugi si PLDT mo, 100% na lugi ka kasi isang company lang ang nabili mo. Unlike kung diversified, meron kang PLDT, Ayala, BPI, BDO, SM, Meralco, Globe. Kahit malugi pa ang isa jan still kumita ka pa rin sa ibang companies kung saan ka naka-invest. Kaya importante ang diversification.

Meron namang iba na napalago tlga ang 5,000 nila pero siyempre sila yung mga may talent talaga or nag tiyaga mag-aral about Stock Market. (Bihira lang yan)

Ano ulit ang mga requirements para maging successful ang pag-iinvest sa Stock Market?

1.) Time

2.) Knowledge

3.) BIG Capital

Now, kung wala kapang Time, Knowledge, Capital at medyo takot kapa dahil baka malugi, ito ang nababagay para sa'yo...Ito ang tinatawag na Mutual Funds.

“MUTUAL FUNDS”

(Indirect Investing in the Stock Market)

Sa Mutual Funds naman ay “INDIRECT” dahil merong Professional Fund Manager(s), hindi ikaw ang magde-decide kung anong mga companies ang bibilhin.

Ang Mutual Funds ay pinagsama-samang pera ng mga investors, kunwari yung P100,000 ko, P5,000 mo at P10,000 ng kaibigan mo pagsasamahin ng Fund Manager yan at dahil malaki ang budget, ibibili yan ng mga “Blue Chips” Companies like Jollibee, SM, Ayala, Globe, etc. Now, kapag kumita na ibabalik ito sa mga investors.

Kunwari kumita ng ang MF Company ng 5%.

Ang kinita ko sa P100,000 ay P5,000 (P100,000 x 5%)

Ang kinita mo sa P5,000 ay P250 (P5,000 x 5%)

Ang kinita ng kaibigan mo sa P10,000 ay P500 (P10,000 x 5%)

For me Mutual Funds is the best way to start in investing sa Stock Market dahil:

1.) It is Professionally Managed – kung nag-sisimula ka palang sa pag-iinvest much better na ipaubaya muna natin ito sa mga experts (Professional Fund Managers) at kapag familiar kana sa sistema ng Stock Market dun kana mag-start ng direct investing. Kumbaga sa pampasaherong jeep, kung hindi ka pa marunong mag-drive, ipaubaya mo muna ito sa driver. Sumakay ka lang muna at makakarating ka ng safe sa pupuntahan mo.

2.) It is Very Liquid – meaning anytime pwede mong i-withdraw, some MF companies may mga charges pero kapag nalagpasan mo na ang holding period wala na itong charges. Parang bank lang din ang MF, ang pinagkaiba lang ay sa Bank madali mo siyang makuha sa thru ATM, unlike sa MF 3-7 days pa para ma-withdraw ang pera. So, wag na wag mong ilalagay lahat ng pera mo sa MF, make sure na may laman pa rin ang Savings Account in case of emergency.

3.) It has a Low Minimum Investment Requirement – for as low as P1,000 - P5,000 you can open ang account in MF (some MF companies requires P10,000 – P100,000 to open an account). Ma-swerte tayo sa panahon ngayon dahil mababa nalang ang investment requirement, unlike dati na kailangan mo talaga maglabas ng hundred thousands para makapag-open ng account sa MF. Sa panahon ngayon khit minimum wage earner, magbabalot, janitor, construction worker, etc. pwede na maging INVESTOR. At kung mag-iinvest ka monthly pwede ka mag-top up basta minimum of P1,000.

4.) It is Diversified – yung P5,000 mo na yun ay mabibili agad ng minimum 10 BIG Companies (Blue Chip Companies) yan yung mga companies na matatagal na talaga. Hindi ka basta basta malulugi sa MF dahil DIVERSIFIED na siya, dahil khit malugi man ang 3 companies let’s say si PLDT, Meralco, BDO. Yung remaining 7 companies naman ay kumita, still kumita ka pa rin.

5.) It is Very Transparent – may matatanggap kang SOA (Statement of Account) quarterly, dun nakalagay kung ilang shares na meron ka at magkano na total ng kinita ng pera mo. Since Shareholder ka ng MF Company, may karapatan kang umattend ng mga Shareholder’s Meeting, dun ididiscuss kung saan ba ininvest ang pera natin, ano ba naging performance this past few months or year. Sa Mutual Funds you’re a Shareholder or Stockholder of the Company.

6.) The Gains are Tax-Exempt – kapag bumili tayo ng isang bagay merong tinatawag na sales tax/value added tax. Kapag nag-withdraw tayo sa savings account natin merong tinatawag na withholding tax at kahit na mamatay tayo meron pa ring tinatawag na estate tax. Pero sa Mutual Funds, walang tax. Kung ang money mo sa MF ay P100,000 at nagwithdraw ka, buong-buo walang labis, walang kulang P100,000 pesos pa rin yan.

7.) Zero Load - Ibig sabihin nito ay walang kaltas ang pera mo. For example nag-open ka ng MF Account mo with 5,000 minimum initial investment. Kung Zero Load ang Mutual Funds mo buong buo yang 5,000 mo ay ibibili ng shares. Pero kung hindi yan Zero Load may ibinabawas na around 3% sa pera mo and every time na magdadagdag ka ng investment mo may 3% pa rin na ibabawas dito.

Kung gusto mo Zero Load ang Mutual Fund Investment mo you can join in IMG (International Marketing Group, Inc). They have a lot of benefits, isa lang yang Zero Load sa mga benefits.

Join the “Introduction of Wise Investment Part 1” webinar. Libre po ang webinar na ito. Pwede mo mapanood kahit ikaw ay nakatira sa probinsya o sa ibang bansa.

In this webinar, you will learn:

  • introduction of investment
  • how to save money for your needs
  • how to save and invest money for your future
  • how money works so you and your spouse won’t have to argue about money
  • and many more!

    Here's the exciting part. The webinar is FREE!


    Limited Slots. Register Now





    Remember, financial education is not just for the wealthy — it’s for everyone.


    Register Now